Showing posts with label palpaks. Show all posts
Showing posts with label palpaks. Show all posts

Friday, July 25, 2008

DEPOSIT SLIP

Isang lalaki ang nanghold-up ng banko at agad namang nahuli. Ayon sa report,
nagkunwaring customer ang holdaper at nagmatyag muna bago isinagawa ang
panghoholdap. Nakilala ang holdaper dahil sa naiwang deposit slip na kung saan
isinulat niya ang tunay na pangalan at address habang naghihintay ng tiempong
makapagholdap.
GUILTY

Umpisa pa lang ng paglilitiis sa kasong robbery ay tila tagilid na sa laban ang
suspek. Sa unang araw ng paglilitis ay tinanong ng abogado ang biktima: "Maituturo
mo ba sa hukumang ito ang lalaking nangholdap sa iyo?" Biglang nagtaas ng kamay ang
suspek at sumigaw: "I'm here, your honor!"
SENIOR CITIZEN

Isang mag-asawang matanda na ang tinanglang nakawan ng dalawang lalaki na nanloob
sa kanilang bahay. Tinutukan ng patalim ng isa sa dalawa ang matandang lalaki, 80,
habang naghahanap ng mananakaw ang kasama. Nagkunyaring hinimatay ang asawang
babae na saglit na ikinagitla ng dalawa. Agad na tumakbo ang asawang lalaki at
kinuha ang kanyang baril. Nang makita na armado na ang matanda ay agad tumakas
ang dalawa na walang anumang natangay.
CANDID SHOT

Nagshop-lifting ang magbarkadang Andrew at Mike ng mga digital camera sa isang
department store. Nahuli at nakulong ang dalawa. Ang ibidensya? Nang paalis na
sila ay pinaglaruan nila ang display camera at nagkuhanan ng litrato sa pag-aakalang
prop lang ang camera. Nang mag-imbistiga ang mga pulis ay nakita sa digital camera
ang litrato nila na bitbit ang mga ninakaw.
SPEEDING

Nagpull-over si John nang patabihin ng highway patrol. Binigyan siya ng "fix-it"
tiket dahil sa sira ang isang brake light ng kanyang kotse. Paalis na sana si John
nang dumaldal pa: "Whew, sirang brake light lang pala. Akala ko napansin ninyong
lasing ako!" Tuloy, inaresto si John for drunk driving.
UNDER AGE

Isang holdaper ng liquor store ang agad ding nahuli ng pulis. Ayon sa report, aalis
na sana ang holdaper matapos limasin ang pera sa cash register nang humingi eto ng
isang bote ng brandy na nakadisplay sa counter. Sinabi ng tindera na illegal
magbigay ng alak sa taong wala pang 23 anyos. Ipinakita naman ng lalaki ang kanyang
ID upang patunayan na 25 anyos na siya. Nakilala ng tindera ang holdaper at agad
nagsumbong sa pulis.