Friday, July 25, 2008

Nakadungaw si tim sa 2nd floor ng apartment nang mapansin ang matandang lalaki
na kumakaway sa kanya. Bumaba si tim at nilapitan ang matanda sa pag-aakalang
siya ay dating kakilala.

tim - Bakit po?
Matanda - Makikilimos po sana...
tim - Halina kayong sumama sa itaas
(Sumama ang matanda, pagdating sa 2nd floor...)
tim - Patatawarin po, wala akong pera.
amo: Aling Maria, dadalaw mamya ang mga kamag-anak ko mula
probinsya kaya magluto ka ng marami.
inday: Opo Mam! Anung luto ang gusto nyo, yung magtatagal sila
dito, o yung uuwi agad sa probinsya? =p
tindera: Suki, bili na kayo ng pakwan. Mapula at matamis.
(Nabitiwan ng tindera ang isang pakwan, bumagsak sa semento at nabiyak.)
kostumer: Sabi mo mapula. Maputla naman pala ang pakwan na tinda mo.
tindera: Aba, kayo man ang bumagsak sa semento, mamumutla rin kayo!
Bulag, eyewitness sa pagpatay. Nahuli ang pinaghihinalaang salarin sa
pagpatay nang siya ay itinuro ng isang witness sa krimen. Nakilala pa rin ang suspek
maski bulag na ang isang mata ng witness.
DEPOSIT SLIP

Isang lalaki ang nanghold-up ng banko at agad namang nahuli. Ayon sa report,
nagkunwaring customer ang holdaper at nagmatyag muna bago isinagawa ang
panghoholdap. Nakilala ang holdaper dahil sa naiwang deposit slip na kung saan
isinulat niya ang tunay na pangalan at address habang naghihintay ng tiempong
makapagholdap.
GUILTY

Umpisa pa lang ng paglilitiis sa kasong robbery ay tila tagilid na sa laban ang
suspek. Sa unang araw ng paglilitis ay tinanong ng abogado ang biktima: "Maituturo
mo ba sa hukumang ito ang lalaking nangholdap sa iyo?" Biglang nagtaas ng kamay ang
suspek at sumigaw: "I'm here, your honor!"
SENIOR CITIZEN

Isang mag-asawang matanda na ang tinanglang nakawan ng dalawang lalaki na nanloob
sa kanilang bahay. Tinutukan ng patalim ng isa sa dalawa ang matandang lalaki, 80,
habang naghahanap ng mananakaw ang kasama. Nagkunyaring hinimatay ang asawang
babae na saglit na ikinagitla ng dalawa. Agad na tumakbo ang asawang lalaki at
kinuha ang kanyang baril. Nang makita na armado na ang matanda ay agad tumakas
ang dalawa na walang anumang natangay.